Add parallel Print Page Options

30 “Magpapakita ako ng mga kababalaghan
    sa langit at sa lupa;
    dugo, apoy at makapal na usok.
31 Ang(A) araw ay magdidilim,
    at ang buwan ay pupulang parang dugo
    bago dumating ang dakila at nakakatakot na araw ni Yahweh.
32 At(B) sa panahong iyon, ang lahat ng hihingi ng tulong kay Yahweh ay maliligtas.
Gaya ng kanyang sinabi,
    may ilang makakatakas sa Bundok ng Zion
    at ang aking mga pinili'y makakaligtas sa Jerusalem.”

Read full chapter